Thursday, July 18, 2013

Mga Halamang Panggamot


Mga Halamang Panggamot na rekomendado ng mga gumagamit ng kapangyarihang engkanto de dios.

i. ang kahalagahan ng mga halamang panggamot

-likas na napakayaman ng ating bansa sa mga katutubong mga halamang na totohanang nakapagpapagaling ng sari-saring mga uri ng sakit. Sa katunayan, ang mga halamang ito ay matagumpay na ginamit ng ating mga albularyo, hilot at mga taong malayo sa paglilingkod ng mga doctor, sa kanilang pang-araw-araw ng pagharap sa mga sakit at karamdaman.
-maitatanong natin: anu-ano ba ang kapakinabangan at kalamangan ng paggamit ng mga halamang panggamot?
Una, kung tama o wasto ang paggamit, ito’y nakapagpagaling ng sakit. Ang pinakuluan dahon ng bayabas,halimbawa, ay maaring makapagdulot ng ginhawa sa batang labis ang pagtatae.
Pangalawa, ito’y nasa ating kapaligiran lamang, kung kaya’t madaling makuha; hindi na kailangang bilhin pa. at pangatlo, dahil sa ito’y hindi na kailangan bilhin pa, ito’y hindi nagkakahalaga ng ni-isang pera.

mga mungkahi sa pagpaunlad at pagpasulong ng paggamit ng mga halamang panggamot

  1. Alamin at isulat ang lahat ng mga halamang gamut na ginagamit ng mga albularyo, hilot,at mga tao sa inyong pamayanan – kasama na ang mga gamit at pamamaraan ng paggamit ng mga ito.
  2. Magtayo ng Pampamayanang  Hardin ng mga halamang panggamot na sama-samang aalagaan at lilinangin ng mga tao o isang lupon na anatasan ng mga mamamayan.
  3. Mag-imbak ng mga halamang panggamot na kakailanganin sa mga panahong biglang mga pangangailangan.
  4. Imulat ang mga kasama sa pamayanan sa wastong pagagamit ng mga halamang gamut sa pamamagitan ng talakayan o maliit o malaking pulong.Maari ring gumamit ng mga poster, paskil o kartula.

maging makaagham palagi sa pagtuklas at paggamit ng mga halamang panggamot.

mga halamang panggamot sa mga karaniwang sakit at karamdaman


PARA SA ALMORANAS

  1. TANGAN-TANGAN

Direksiyon sa Paggamit: tustahin at bayuhin ang buto at ipahid ang makukuhang langis sa almoranas.
Ibang Gamit: ang dahon ay ginagamit din na pampadami ng gatas ng ina at sa mga sugat sa balat, ang langis ay pwede rin pamurga.
Babala: huwag kainin ang buto!





PARA SA ALTAPRESYON

  1. BAWANG

Direksiyon sa Paggamit: kumain ng 1 hanggang 4 na lutong butil ng bawang 3 beses isang araw (kasabay ng almusal, tanghalian at hapunan) maari ring kainin ang sariwang dahon na parang gulay

Ibang Gamit: Ginagamit din ang bawang sa rayuma, sakit ng u lo, sakit ng ngipin at kagat ng insekto.

Babala: huwag ipakain ang butil ng bawang sa mga bata. Bawal din ito sa mga may ulser.


  1. KINTSAY

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 2 sariwang usbong sa 2 tasang tubig sa loob ng 2-5 minutos. Inumin ang kalahati nito sa umaga at ang kalahati naman sa hapon.

Ibang Gamit: nakakatulong din ito sa pananakit ng tiyan, at bilang pamurga.

PARA SA BOSYO

  1. BURBURTAK

Direksiyon sa Paggamit: kainin na parang gulay ang usbong.
Ibang Gamit: gamot din ito para sa disinterya, sakit ng tainga sore eyes, at kapag. Pampahinto rin ito sa pagdurugo ng sugat.

  1. GABI

Direksiyon sa Paggamit: kainin parang gulay ang dahon. Maari ring kainin ang nilagang lamang-ugat.



PARA SA BULATE

  1. BUNGA

Direksiyon sa Paggamit: Magpakulo ng bunga sa loob ng 20-30 minutos, sumusunod na dami; para sa batang wala pang 12 taon 6 na piraso ng bunga (30 gm.) para sa batang labis ng 12 taon 10-12 na piraso ( 50-60 gm.) para sa mga matanda 16-18 na piraso (80-90 gm.)

Palamigin bago ipainom. Karaniwan, para maign mas epektibo ang panlaban sa bulate, ang bunga ay sinasamahan ng kalabasa. Idagdag ang 70-100 gm. (450-560 piraso) ng buto ng kalabasa at ipakulo mga ito sa 2 basong tubig sa loob ng 1 oras.dagdagan uli ito ng tubig hanggang sa ang buong “miksla” ay umabot sa 2 baso. Ipainom sa umaga bago kumain.

  1. IPIL-IPIL

Direksiyon sa Paggamit: Magpulbos ng tuyo at magulang na buto. Para sa matanda – Uminom ng 1 kuktsaritang pinulbos na buto 2 oras pagkakain ng hapunan.
Para sa bata -  sundin ang mga sumusunod na sukat:

7-8 taon – ¼-1/2 na kutsarita
10-12 taon – ½-2/3 na kutsarita
Maari itong haluan ng gatas na may asukal

Babala: Huwag bigyan ang mga batang wala pang 7 taon.


  1. IS-IS

Direksiyon sa Paggamit: kumuha ng 1-2 kutsarang dagta mula sa katawan ng puno ng is-is. Ihalo ito sa 2 hanggang 4 na kutsarang tubig at dagdagan ng kaunting asukal. At saka ito ipainom.

Babala: Huwag ipapainom sa mga taong may ulser.

  1. NIYOG-NIYOGAN

Direksiyon sa Paggamit: Minsanang kumain ng magulang at tuyong buto pagkatapos ng hapunan. Sundin ang sumusunod na dami:

Para sa matanda: 8-10 pirasong buto
Para sa bata:
3-5 taong gulang : 4-5 na piraso
6-8 taon : 5-6
9-12 toan : 6-7

Babala: Huwag ipakain sa mga batang wala pang 3 taong gulang.

  1. PAPAYA

Direksiyon sa Paggamit: Gumamit ng 2-4 kutsara ng dagta mula sa hindi pa hinog na papaya. Ihaloito sa dobleng dami ng tubig, saka dagdagan ng asukal. Ipainom ito sa umaga bago kumain ng almusal.

Ibang Gamit: Ang dagta ng papaya ay pwede rin sa mga sugat; pamurga rin ang prutas na papaya.

Babala: ang dagta ng papaya ay hindi dapat ipainom sa mga taong may ulser.

PARA SA BUNI, AN-AN, ALIPUNGA

  1. AKAPULKO

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang ilang dahon at pigain. Ipahid ang katas sa buni 2-3 ulit sa maghapon. Gawin araw-araw hanggang mawala ang sakit sa balat.
Ibang Gamit: ginagamit din sa alipung, an-an, singaw, at iba pang impeksyon dahil sa fungus.



PARA SA KAGAT NG INSEKTO

  1. BALANOY

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng ilang dahon. Pigain at ipahid ang katas sa buni, araw-araw hanggang sa mawala ang buni.
Ibang Gamit: gamot din ito sa ubo, kabag, kagat ng insekto, sakit ng ngipin, mabahong hininga, at lagnat.

  1. BANATO

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng ilang dahon o buto at itapal sa buni.
Ibang Gamit: gamot din ito sa tipus, leukemia, sakit ng kalamnan dahil sa lagnat, bronchitis, at meningitis, maari din pamurga.

  1. KAMANTIGUE

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng sariwang bulaklak at itapal sa buni.
Ibang Gamit: gamot din sa pananakit ng puson, pigsa, at pampahilab din ng tiyan sa panganganak.

  1. KANYA-PISTULA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang sariwang dahon hanggang maging parang pasta at ipahid o ikuskos sa buni 2-3 ulit maghapon. Gawin araw-araw hanggang gumaling ang buni.
Ibang Gamit: nakakatulong din sa pagpatae at pagpurga.




  1. BALANOY

Direksiyon sa Paggamit: maddikdik ng ilang dahon. Pigain at ipahid ang katas sa kagat. Gawin araw-araw hanggang gumaling.
Ibang Gamit: gamot din sa ubo, kabag, buni, sakit sa ngipin, mabahong hinina, at lagnat.

  1. BAWANG

Direksiyon sa Paggamit: hatiin nang pahalang ang  1 butil ng bawang at ipahid sa parteng may kagat. Maari ring magdikdik nito at initin kasama ng langis panluto. Ipahid din.
Ibang Gamit: epektibo rin itong panggamot sa sakit ng ulo. Arthritis, rayuma, sakit sa balat tulad ng buni, galis at pwede rin sa altapresyon, panlinis ng sugat at pampalabas ng plema.

  1. KATAKATAKA

Direksiyon sa Paggamit: Dikdikin ng bahagya ang dahon at itapal sa parteng epektado.
Ibang Gamit: nakakatulong ito sa sakit ng ulo, pilay, pamamaga, napaso, pigsa, pasa, sugat, eksema at iba pang mga impeksyon sa balat.



  1. GOLASIKAN

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa kagat. Maari ring piagain ang dahon,kunin ang katas at ipahid ito sa parteng kinagat.
Ibang Gamit: maigagamot din ito sa paso at impeksyon sa balat, sugat, pigsa, pagtatae, lagnat, impeksiyon sa ihian at labis na pagdurugo.



  1. OREGANO

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin nang bahagya ang dahon at itapal sa parte na may kagat.
Ibang Gamit: pwede rin sa ubo, sakit ng ulo, sakit ng tiyan, kabag at sugat na nagnanaknak.

PARA SA DIABETES

  1. AMPALAYA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng isang prutas at dahon at saka inumin.
Ibang Gamit: gamit din ito sa hika, pananakit ng tiyan, lagnat at iba’t ibang sakit sa balat.

  1. BANABA

Direksiyon sa Paggamit:  magpakulo ng tuyo o sariwang dahon o tuyong prutas sa 2 tasang tubig sa loob ng 15 mins. Inumin ito 1 oras bago kumain.
Ibang Gamit: pwede rin sa lagnat at bilang pampaihi.

PARA SA GALIS, KOREKONG

  1. BAYABAS

Direksiyon sa Paggamit: pakuluan sa tubig ang ilang dahon o hilaw na bunga. Gamitin panghugas sa galis o dikdikin ang dahon at itapal sa apektadong parte.
Ibang Gamit:  pwede rin sa pagtatae, sakit ng ngipin, pangagati at panghugas sa sugat.

  1. KAKAWATI

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng dahon, balat o ugat, pigain at ipahid ang katas sa galis.
Ibang Gamit:  pwede rin ito sa rayuma, pangangati, pangpaalis din ng pulgas sa mga hayop, at para wag kagatin ng insekto.

  1. KALATSUTSI

Direksiyon sa Paggamit: pakuluan ang 1 tasang balat ng kahoy  sa 1 tasang langis ng niyon at ipahid sa parteng apekto 2-3 x maghapon.
Ibang Gamit: ang mga dahon at balat ay ginagamit sa hika. Katas naman ay maaring makatulong sa pangangati at rayuma.


  1. LUBIGAN

Direksiyon sa Paggamit: ang pinatuyong lamang-ugat ay pinupulbos at hinahaluan ng kaunting langis. Ipahid sa galis
Ibang Gamit: ito’y mabisa para sa kabag, panankit ng tiyan at kasukasuan, rayuma, arthritis, hika, panankit ng likod, dysentery, at sa di-natunawan ng pagkain.l nakapagpapalabas din ito ng plema.

  1. MAKABUHAY

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng sanga ng makabuhay at kasama ng langis ng niyog, ipahid sa parteng apektado. O kaya’y magpakulo ng 3-4 na putol ng sanga o katawan sa 2 basong tubig sa loob ng 15 mins. Gamitin panghugas ang pinaglagaan minsan o 2 ulit sa maghapon.
Ibang Gamit: mabisa din sa lagnat at sa di natunawan.

PARA SA HIKA

  1. GATAS-GATAS

Direksiyon sa Paggamit: gumawa ng sigarilyo mulasa tuyong halaman. Hithitin at langhapin ang usok.
Ibang Gamit: ginagamit din sa pagpahinto ng pagdurugo at dysentery.
Babala:

  1. MAKAHIYA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng ilang halaman nito sa loobng 15mins inumin ¼ na tasa ng pinaglagaang tubig tuwing ika-6 na oras.
Ibang Gamit: pwede rin ito sa mga hindi makatulog, may nerbiyos at sakit sa balat (dermatitis), nagsisilbi ring pampaihi

  1. TALUMPUNAY

Direksiyon sa Paggamit: irolyo na parang sigarilyo ang tuyong bulaklak o 2-3 maliit na tuyong dahon. Hithitin o sunugin ang 1 tuyong bulaklak at langhapin ang usok nito.
Ibang Gamit: ginagamit din sa almoranas, tulo, rayuma at pananakit ng tainga.
Babala: 1 lang sigarilyo sa loob ng 6 na oras! Maari rin matulala lo magka-ilusyon ang naghithit.

PARA SA LAGNAT


  1. BANABA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang balat ng kahoy hanggang sa maging parang pulbos. Maglagay ng  1 kutsaritang pulbos sa 1 tasang kumukukong tubig. Palamigin at inumin.
Ibang Gamit:  para rin sa diabetes, pamamanas, paninilaw, @ pagkahilo.

  1. DITA

Direksiyon sa Paggamit: para sa matagal ng pagtatae, magpakulo ng 1 pirasong balat ng kahoy nito sa 2 basong tubig. Inumin ang pinaglagaang tubig.
Ibang Gamit: ang dagta ay para sa pigsa, ang dita ay para din sa lagnat, ubo, malarya at bronchitis.
Babala: itigil ang pag-inom ng pinaglagaang tubig kung may pagsusuka, may tumutunog sa tenga o panlalabo ng paningin.

  1. LAGUNDI

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 15-20 sariwang dahon sa 2 tasang tubig sa loob ng 10-15 mins. Hayaan lumamig. Uminom ng isang tasa ng pinakuluang tubig 3x sa 1 araw.
Para sa maga bata
Ipainom tuwing ika-4 na oras:

2-4 taon : 2-3kutsarita
5-8 taon : 1-2 kutsara
9-12 taon :3-4 kutsara

  1. MASANILYA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 3 kamaong-dami ng sariwang dahon sa 2 tasang tubig sa loob ng 10-15 mins. Hayaan lumamig. Uminom ng 1 tasa ng pinakuluan tubig 3x sa isang araw.
Ibang Gamit: para din sa kabag at sugat.

  1. SAMBONG

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng  3 kamaong-dami ng sariwang dahon sa 2 tasang tubig hanggang ang tubig ay maging 1 tasang dami nalang. Inumin, pagkatapos palamigin ang isang tasa 3 beses sa 1 araw hanggat may lagnat.
Ibang Gamit: maari din sa rayuma, ubo, sakit ng tiyan at dibdib.




  1. YERBA BUENA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 15 kutsarita ng pinatuyong dahon sa 3 baso o tasang tubig hanggang sa maging 1-1/2 baso na lang ; salain at ipainom.

Para sa matanda:
¼ na baso bawat 4 na oras
Sa bata higit sa 7 taon
1/8 na baso bawat 4 na oras
Ibang Gamit: pwede rin sa ubo, kati at pinworm
Babala: bawal sa nagpapasususong ina at mga batang wala pang 7 taon.

PARA SA LUGA

  1. BULAK-MANOK

Direksiyon sa Paggamit: pigain ang dahon at kunin ang katas nito. Maglagay ng isang patak araw-araw sa apektadong tenga.
Ibang Gamit: puwede rin sa pananakit ng tiyan, sipon, lagnat at mga sugat.

  1. SORO-SORO

Direksiyon sa Paggamit: magpainit ng isang dahon sa apoy. Pigain at kunin ang katas. Linisin nang maigi ang tainga ng bulak. At saka lagyan ng 2-3 patak ng katas ng soro-soro ang apektadong tainga. Gawin sa loob ng 7-10 araw.
Babala: huwag gagamitin ito kung di kelangan.

PARA SA NAKAKALBO

  1. SABILA

Direksiyon sa Paggamit: alisin ang mga tinik at hatiin ang mga dahon at ipahid ang dahon sa anit. Maari din ihalo ang katas sa gugo at ipang hugas sa buhok.
Ibang Gamit: puwede rin sa pamamanas, beri-beri at sunog sa balat at sugat.

PARA SA PAGKAHILO

nn.    KALAMANSI

Direksiyon sa Paggamit: langhapin ang pinigang balat ng kalamansi.
Ibang Gamit: para din sa ubo, sakit ng lalamunan at pagsusuka.

oo.     DALANDAN

Direksiyon sa Paggamit: Ilapit sa ilong ang balat ng bunga, pigain at langhapin.
Ibang Gamit: Ito’y para rin sa kabag, pampatuyo ng sugat, pagsusuka, pangngati, pampapawis kungmay lagnat, pampalbas ng plema o sipon at sa pagtatae.


pp.     DALANGHITA

Direksiyon sa Paggamit: ilapit sa ilong ang balat ng bunga pigain at langhapin.
Ibang Gamit: para rin sa kabag, pampatuyo ng sugat, pagsusuka, pangangati, pampapawis kung may lagnat, pampalabas ng plema o sipon at sa pagtatae.

qq.     DAYAP

Direksiyon sa Paggamit: ilapit sa ilong ang balat ng bunga pigain at langhapin.

PARA SA PAGTATAE

rr.        BAYABAS

Direksiyon sa Paggamit: alin man sa mga sumusunod ay maaring gawin:
  1. magpakulo ng 3 dakot ng dahon (5gm) sa 2 tasang tubig sa loob ng 15-30 mins. Palamigin at inumin.
  2. Ang hilaw na prutas ay maaring kainin.
  3. Ang balat ay alisin, patuyuin at pulbusin. Inumin ang ¼ kutsaritang pulbos kasabya ang tubig tatlong beses maghapon.
Ibang Gamit: panlinis ng sugat at para sa sakit sa balat.

ss.      DITA

Direksiyon sa Paggamit: para sa matagal nang pagtatae, magpakulo ng ng 1 kapirasong balat ng kahoy sa 2 baso ng tubig at inumin.
Ibang Gamit: ginagamit din sa pigsa, lagnat, ubo, malarya at bronchitis.
Babala: itigil pag may pagsusuka at panlalabo ng mata.

tt.        DUHAT

Direksiyon sa Paggamit: kainin ang prutas para sa pagtatae,o magpakulo ng balat ng kahoy at inumin ito.
Ibang Gamit: para din sa panlinis ng sugat,kabag, dysentery, impeksiiyon sa gilagid at diabetes.

uu.    MANGGA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 2 kutsara ng tinadtad na balat ng kahoy o 4 na kutsara ng tinadtad ng laman ng buto sa 2 basong tubig sa loob ng 15 mins. Salain at palamigin. Uminom ng ¼ na baso ng pinaglagaang tubig, 3-4 na veses maghapon.
Ibang Gamit: pwede rin pamurga, at sa ubo.





vv.      SANTAN

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng isang dakot ng sariwang bulaklak sa 2 tasang tubig sa loob ng 15-30 mins. Salain at inumin ito araw-araw hanggang may pagtatae.
Ibang Gamit: maari rin sa sugat, pilay, oasa, impeksyon sa balat, sa pagsusuka, bronchitis at alta-presyon.
Babala: umpisahan sa konting dami ng pag-inom.



PARA SA NAHIHIRAPAN DUMUMI

ww.   DARAK

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng dalawang kutsara ng darak sa isang basong tubig sa loob ng 15 mins at palamigin at haluin mabuti bago inumin.
Ibang Gamit: sa darak kinukuha ang tikitiki na ginagamit upang maiwasan at gamutin ang beri-beri.



xx.      KANYA-PISTULA

Direksiyon sa Paggamit: durugin ang laman ng 2-3 hinog na prutas at ihalo sa isang basong tubig at asukal. Uminom ng 1-2 kutsarita o kaya 1-2 kutsara para sa mas matakas na epekto.
Ibang Gamit: makaktulong sa pagpurga.

yy.      MALUNGGAY

Direksiyon sa Paggamit: kainin ang dahon bilang gulay.
Ibang Gamit: pamparami ng gatas ng ina, panghugas ng sugat, pantapalsa rayuma, pampurga, pampaihi, sinok, hika, pananakit ng kasukasuan, sinok, rayuma, at hika.

zz.      NIYOG

Direksiyon sa Paggamit: uminom ng 1-2 kutsara ng gata o di kaya uminom ng tubig ng 1-2 niyog ng walang laman ang tiyan.
Ibang Gamit: pang-alis ng balakubak, pagtatae, pagsusuka, pananakit ng tiyan at pampaihi.

aaa.  PAPAYA

Direksiyon sa Paggamit: kumain ng hinog na papaya.
Ibang Gamit: panlinis ng sugat, pamamaga at pampalakas ng puso.

PAMPAIHI

bbb.  BANABA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng sariwang dahon sa 2 baso ng tubig sa loob ng 15 mins. At inumin.
Ibang Gamit: para din sa diabetes, pananakit ng kasukasuan, impeksyon sa balat, pananakit ng tiyan at pagkahilo.

ccc.   MAIS

Direksiyon sa Paggamit: maglaga ng buhok ng mais sa 4 basong tubig sa loob ng 15 mins, salain at ipainom 1/3 na baso 3x maghapon.

ddd.  PANDAN

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 5-7  ugat sa 2 basong tubig, salain, palamigin at inumin ¼ na baso apat na beses maghapon.

eee.  TAKIP-KUHOL

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 10-15 sariwang dahon sa dalawang basong tubig sa loob ng 15 minutos o hanggang maging isang baso na lamang ang tubig na maiiwan. Uminom ng 1 baso 2 beses sa maghapon
Ibang Gamit: ito’y ginagamit na pantapal para sa eksema, sugat na nagnanaknak at galos. Maaari rin ito para sa impesiyon sa baga, pamamaga, pagtatae, lagnat, disenterya, altapresyon at para sa gonorrhea.

fff.      TANGLAD

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng ugat ng tanglad sa 2 basong tubig sa loob ng 5 o 10 minutos at inumin. Maaari ring magbabad lamang ng malinis na ugat sa isang baso ng tubig. Takpan ang baso sa loob ng 15 minutos, salain at inumin parang tsaa.
Ibang Gamit: ginagamit na pampapawis kung may lagnat, para sa sakit ng tiyan, pananakit ng puson dahil sa pagregla, rayuma, pananakit ng kalamnan, pilay at sakit ng ulo

PARA SA PANANAKIT NG LALAMUNAN

ggg.  LUYA

Direksiyon sa Paggamit: magpitpit ng 1 pirasong sariwang laman ng luya na kasinlaki ng daliring hinlalaki ng matanda. Pakuluan sa 1 basong tubig sa loob ng 15 minutos. Inumin ang pinaglagaang tubig habang maligamgam pa. maaari ring ibabad sa bibig ang isang pirasong luya.
Ibang Gamit: ginagamit din itong panlinis sa sugat at para sa kabag at rayuma.

hhh. TAKIP-KUHOL

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 2 kumpol ng sariwang dahon (20gm.) sa 2 tasang tubig sa loob ng 10-15 minutos inumin ang pinakulong tubig habang mainit-init pa.
Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito sa sakit sa atay, tigdas, pamamaga ng tonsil, lagnat, pampahilom ng sugat, pampaihi, at iba pang impeksiyon ng daluyang hangin, pagtatae, alta presyon at gonorrhea.

PARA SA PANANAKIT NG NGIPIN

iii.       BALBAS-PUSA

Direksiyon sa Paggamit: nguyain ang bulaklak, at saka ipasok sa butas ng masakit na ngipin
Ibang Gamit: puwede itong pampaihi, at sa mga bato sa bato.

jjj.       BAWANG

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng ulo ng bawang at ilagay sa sumasakit na ngipin.
Ibang Gamit: magagamit ito para sa arthritis, rayuma, sakit ng ulo, altapresyon, at kagat ng insekto.
Babala: huwag ipakain ang butil ng bawang sa mga bata. Bawal din ito sa mga may ulser.

kkk.   BAYABAS

Direksiyon sa Paggamit: magdurog ng dahon, nguyain ito, at saka ipasok sa butas ng ngipin na masakit.
Ibang Gamit: ginagamit din itong panlanggas para sa pagtatae, namamagang gilagid, nahihilo, rayuma, kunbolsiyon, pangangati, at impeksiyon sa bato.

lll.       DAPDAP

Direksiyon sa Paggamit: pulbusin ang balat ng kahoy at ilagay sa sumasakit na ngipin.
Ibang Gamit: nakatutulong ito sa lagnat, ubo, rayuma, arthritis, at pananakit ng likod. Maaari rin itong pangkalma, panghilot sa pilay, at panglanggas.

PARA SA PANANAKIT NG TIYAN

mmm. DALANDAN

Direksiyon sa Paggamit: para sa kabag, magpakulo ng balat ng dalandan sa tubig. Inumin ang pinakuluang tubig habang mainit-init pa.
Ibang Gamit: ginagamit din ito sa pagkahilo. Maaari rin ito sa pagpahilom ng sugat, sa pagsusuka, pampapawis kung may lagnat, pangangati at pampalabas ng plema o sipon.

nnn.     DAMONG MARIA

Direksiyon sa Paggamit: para sa bata, magdikdik ng 5 – 10 sariwang dahon. Dagdagan ng ilang patak ng langis o alcohol at painitan nang bahagya. Itapal sa tiyan ng bata. Para sa matanda. Maglagay ng 20 sariwang dahon o 25 na tuyong dahon sa 1 baso ng mainit na tubig at hayaang nakatakip sa loob ng 15 minutos. Salain at inumin ang pinagbabarang tubig. Isang kutsarita ng pinigang sariwang dahon ay mabisa sa pananakit ng puson kung may regal.
Ibang Gamit: ito’y maaari rin sa mga sugat, ubo, bulate, pananakit ng ulo, pasa at pilay, pampalabas ng plema o sipon. Pampabilis ng regal at pampahilab ng tiyan sa panganganak.
Babala:huwag ipainom ang halamang ito sa mga taong may ulcer at tipus at grabeng pananakit ng tiyan.



ooo.     IKMO

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 3 kumkom ng sariwang dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 14 minutos. Salain at inumin ang pinaglagaang tubig kung maligamgam na. para sa kabag. Pahiran ng langis panluto ang 1 sariwang dahon. Idarang sa apoy nang bahagya at itapal sa tiyan habang mainit-init pa ang dahon
Ibang Gamit: maaari ring panlunas sa lagnat, pagtatae, hindi pagkatunaw, bronchitis, at iba pang karamdaman sa baga, pasa, pangangati at sugat.

ppp.     MANSANILYA

Direksiyon sa Paggamit: maghanda ng aceite de mansanilla, initin ang ½ tasang langis panluto kasama ng ½ tasang tuyo o sariwang bulaklak o dahon sa loob ng 3-5 minutos. Salain at iimbak ang langis sa isang malinis na bote. Ipahid ang langis sa tiyan. Mas mainam kung mainit-init pa ang langis.
Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito laban sa pamamaga dahilan sa grabeng ubo, rayuma, pigsa, altapresyon, bronchitis at pananakit ng ulo.

qqq.     MAYANA

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 4-8 na dahong sariwa sa isang basong tubig sa loob ng 15 minutos. Salain, inumin ang pinaglagaang tubig habang mainit-init pa.
Ibang Gamit: ang pinaglagaang tubig ay maaari rin sa di natunaw na pagkain, at sa sakit sa mata. Maaari rin ito sa sakit ng ulo, mga sugat at pasa.





PARA SA PANANAKIT NG ULO

rrr.         BAWANG

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng isang butil ng bawang at itapal sa dalawang sentido o sa noo.
Ibang Gamit: ang bawang ay para rin sa ubo, rayuma, altapresyon, bulate, pagtatae, sugat at panlaban sa iba’t ibang klase ng mikrobyo. Ginagamit din ito na pampaihi.

sss.      KAPE

Direksiyon sa Paggamit: maglaga ng ordinaryong kape. Uminom ng isang baso bawa’t 4 – 6 na oras.
Ibang Gamit: ang kape ang ginagamit ding pampaihi at pambawas ng epekto ng alcohol sa katawan.
Babala: huwag ipapainom nang labis lalo na sa mga bata dahil sila’y maaaring magkainsomya. Iwasan ang pagpapainom ng labis na kape sa mga taong may ulser.

ttt.          DAMONG MARIA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang isang dahon ng halaman at itapal sa sentido o sa noo.
Ibang Gamit: ito’y maaari rin sa mga sugat, ubo, bulate, pananakit ng ulo, pasa at pilay, pampalabas ng plema o sipon, pampabilis ng regal at pampahilab ng tiyan sa panganganak.

uuu.     MAYANA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin o durugin ang ilang dahon ng halaman. Itapal sa sentido, noo o di kaya’y sa batok.
Ibang Gamit: ang pinaglagaang tubig ay maaari rin sa di natunawan ng pagkain, at sa sakit ng mata. Maaari rin ito sa sakit ng tiyan dahil sa kabag. Sa mga sugat at pasa.

vvv.      PANDAN MABANGO

Direksiyon sa Paggamit: Durugin ang ilang dahon ng halaman at ihalo sa kaunting langis. Itapal sa ulo, noo o sentido.
Ibang Gamit: ginagamit din ito bilang pampurga. Para sa puso, rayuma, sugat at bilang pampaihi.

PARA SA PANGANGATI

www.  ABUTRA

Direksiyon sa Paggamit: pakuluan sa tubig ang halaman at ihugas ito sap arte ng balat na nangangati.
Ibang Gamit: pakuluan sa tubig ang halaman at ihugas ito sap arte ng balat na nangangati.

xxx.      KAKAWATI

Direksiyon sa Paggamit: pakuluan sa tubig ang dahon, balat ng tangkay o ugat at gamiting panghugas sap arte ng balat na nangangati. Maaari ding gamiting pampahid ang katas nito.
Ibang Gamit: ito ay ginagamit din para sa rayuma at bilang pampaalis ng mga pulgas sa hayop. Ginagamit ito bilang matibay na tangkay nito.

yyy.      KALATSUTSI

Direksiyon sa Paggamit: ihalo ang katas ng kalatsutsi sa langis ng niyog at ipahid sap arte ng balat na nangangati.
Ibang Gamit: ito ay ginagamit din sa paggamot ng arthritis at rayuma.









PARA SA PASA, PILAY (SPRAIN)

zzz.       DAMONG MARIA

Direksiyon sa Paggamit: ihalo sa alcohol ang dinikdik na dahon at ipahid sa pasa o sa pilay.

aaaa.   KAKAWATI

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng dahon, pigain at ipahid ang katas sa pasa o pilay.
Ibang Gamit: Ito ay ginagamit din sa pangangati, rayuma, bilang “insect repellant” at pampaalis ng purges sa mga hayop.

bbbb.  TUBANG-BAKOD

Direksiyon sa Paggamit: idarang sa apoy ang dahon at itapal sa apektadong parte.
Ibang Gamit: ito’y maaari rin para sa ubo, sa mga sugat at sa mga sakit sa balat.

PARA SA PIGSA

cccc.   DITA

Direksiyon sa Paggamit: ipahid ang malagkit na dagta sa pigsa.
Ibang Gamit: ito ay ginagamit din panlunas sa lagnat, ubo, malaria, pagtatae at paulit-ulit na bronchitis.

dddd.  KATAKATAKA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang dahon at itapal sa pigsa.
Ibang Gamit: ito ay ginagamit din sa sakit ng ulo, pilay, pamamaga, napaso o nasunog na balat, pigsa, pasa, sugat eksema at ibang impeksiyon sa balat.



eeee.   GUMAMELA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin mabuti ang buko ng bulaklak at itapal sa pigsa. Gawin ito araw-araw.
Ibang Gamit: ang gumamela ay ginagamit ding panggamot sa mga impeksyon sa palaihian, sa mga impeksiyong sanhi ng fungi, pamparegla, para sa beke, pampurga, bronchitis at ubo, lagnat, sore eyes at gonorrhea.

ffff.        SUOB-KABAYO

Direksiyon sa Paggamit: Magdikdik ng dahon ng suob-kabayo at itapal sa pigsa.
Ibang Gamit: ito ay ginagamit din sa kabag, pananakit ng ulo. Pampalabas ng plema o sipon at pang-hugas ng balat.

PARA SA RAYUMA
gggg.  IKMO

Direksiyon sa Paggamit: Pahiran ng langis ang sariwang dahon nito at itapal sa bahaging sumasakit.
Ibang Gamit: ginagamit din ito laban sa kabag, pasa, sugat, pamamaga, at bronchitis.

hhhh.  LUYA

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng lamang-ugat at ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan. Maaaring haluan ng langis ang luya.
Ibang Gamit: ginagamit din itong panlinis sa sugat at para sa kabag at pananakit ng lalamunan.

iiii.          MALUNGGAY

Direksiyon sa Paggamit: ibusa ang buto, pulbusin, at ibudbod sa nananakit nap arte ng katawan.
Ibang Gamit: nakatutulong din ito sa pagtatae at sa pampadami ng gatas ng ina.

jjjj.          PAMINTA

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng dahon at itapal sa nananakit na parte ng katawan.
Ibang Gamit: epektibo rin ito para sa sipon, kabag, lagnat, pangangati, buto, pananakit ng ngipin, di natunawan ng pagkain, pananakit ng lalamunan, galis, pagtatae, arthritis, at cholera.:

kkkk.   PILI

Direksiyon sa Paggamit: itapal ang dagta sa bahaging sumasakit.
Ibang Gamit: nakakatulong din ito laban sa pagtatae.



PARA SA SIPON

llll.          BANGKA-BANGKAAN

Direksiyon sa Paggamit: Maglaga ng 3 sariwang dahon (30gm.) kasama ang bulaklak sa 3 tasang tubig sa loob ng 25-30 minutos. Uminom ng 1 tasa ng pinaglagaang tubig 3 beses sa isang araw hangga’t may sipon.
Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito sa ubo, pagdugo ng ilong, disenterya at maoebiasis.

mmmm.    BULAK-LAMOK

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 4 na sariwang usbong (5gm.) sa 1 tasang tubig sa loob ng 10-15 minutos. Inumin ang pinakuluang tubig 3 beses maghapon hanggang may sipon.
Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito para sa lagnat, pigsa, pampahinto ng pagdugo ng sugat, pamamaga ng loob ng tainga, at pag-iwas sa pamumuo ng bato sa pantog.

nnnn.  LAGUNDI

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 15-20 sariwang dahon (5gm.) sa 2 tasang tubig sa loob ng 10-15 minuto. Uminom ng 1 tasa ng pinakuluang tubig 3 beses sa isang araw hangga’t may lagnat. Maaari ring gamiting pamunas ng katawan ang pinakuluang tubig.
Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito para sa sugat, pananakit ng ulo, ubo, hika, sakit sa balat, pagtatae sa disenterya.

oooo.  TAGULINAW

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 2 sariwang tanim (8gm.) sa 1 tasang tubig sa loob ng 15 minutos. Inumin ang pinaglagaang tubig 3 beses sa isang araw hangga’t may sipon.
Ibang Gamit: maaari ring gamitin na pampaihi, para sa lagnat, ubo, di-pagkatulog, kagat ng ahas, pilay, sakit ng ulo at tiyan, pagtatae, sakit ng mata at bilang pamurga.






PARA SA SUGAT, GASGAS, GALOS


pppp.  BAYABAS

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng dinikdik na dahon sa 1 basong tubig sa loob ng 15 minutos. Palamigin gawing panghugas sa sugat.
Ibang Gamit: ito’y maaari rin sa ubo, builate, pananakit ng ulo, pasa at pilay, pampalaas ng plema o sipon, pampabilis ng regal, at pampahilab ng tiyan sa panganganak.

qqqq.  DAMONG MARIA

Direksiyon sa Paggamit: hatiin ang halamang sa maliliit na piraso. Ibabad sa malamig o mainit na tubig sa loob ng 30 minutos (huwag gumamit ng plastic o metal na lalagyan.). salain at gamitin ang pinagbabarang tubig na panghugas sa sugat.
Ibang Gamit: ito’y maaari rin sa ubo, bulate, pananakit ng ulo. Pasa at pilay, pampalabas ng plema o sipon, pampabilis ng regal, at pampahilab ng tiyan sa panganganak.


rrrr.       DAPDAP
Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng dinikdik na dahon o balat ng kahoy sa 1 basong tubig sa loob ng 15 minutos. Palamigin at gawing panghugas sa sugat.
Ibang Gamit: nakakatulong ito sa lagnat, ubo, rayuma, arthritis, at pananakit ng likod. Maaari rin tiong pangkalma at panghilot sa pilay.

ssss.   DILAW
Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng lamang ugat at ipahid sa sugat.
Ibang Gamit: Puwede rin ito sa pananakit ng tiyan.

tttt.        MAKABUHAY

Direksiyon sa Paggamit: magdikdik ng sariwang tangkay. Ipahid ang katas sa sugat.
Ibang Gamit: mabisa rin ito sa lagnat at di-natunawan ng pagkain.






PARA SA SUNOG SA BALAT


uuuu.  KATAKATAKA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang dahon at saka itapal sa sunog.
Ibang Gamit: para sa kagat ng insekto, pigsa, mga pasa at sugat.


vvvv.   SUGANDA

Direksiyon sa Paggamit: dikdikin ang dahon at itapal ito sa sunog.
Ibang Gamit: ang suganda ay ginagamit ding pampautot, pampatunaw at gamot sa ubo. Ang dahon nito ay maaaring gamiting gamot para sa kagat ng mga insekto.



PARA SA UBO


wwww.      ALAGAW

Direksiyon sa Paggamit: magpakulo ng 8-10 sariwa o tuyong dahon sa 8 basong tubig sa loob ng 15 minutos, salain ito at ipainom ang 1 baso ng pinaglagaang tubig apat na beses sa maghapon.

Ibang Gamit: ginagamit din ang halamang ito sa lagnat, sakit sa tiyan, hika, beri-beri sa kabag, sakit sa puso, bilang pampaihi, at pampaligo sa mga sanggol.

3 comments:

  1. halamang gamot ay walang masamang epekto sa ating katawan, itoy nakakagamot ng ibat ibang sakit.

    ReplyDelete
  2. Ano po ang mga halamang panggamot sa nakagat ng ahas

    ReplyDelete
  3. ANO PO ANG HALAMANG GAMOT SA HYPERACIDITY

    ReplyDelete