Friday, July 19, 2013

Meditasyon


Ang meditasyon ay kakaibang antas ng pag-iisip kung saan ang isang tao ay matindi ang konsentrasyon sa isang bagay o layunin. Ito ay pinaniniwalaan ng marami na nakakabuti sa ating pangkalahatang kalusugan. 

Sa panahon ng mental o pisikal na istres, maraming mga tao ang umaasa sa meditasyon para maibalik sa mabuti ang kanilang kondisyon. Pinaniniwalaan na mayroong matinding koneksyon ang kaisipan ng tao sa kanyang katawan. Sa pamamagitan ng meditasyon, maaring maabot ang “state of balance” ng isip at katawan. 

Maraming pag-aaral ang nagpapakita ng mabuting epekto ng meditasyon sa kalusugan ng isang indibidwal, at hindi lamang ito sa pisikal na aspeto. Bukod sa pagtanggal ng istres, ginagamit din ang meditasyon para makarekober sa depresyon at lungkot. Naghahatid din ito ng mabuting pakiramdam, mga ideya sa paglikha at masayang disposisyon. Sa patuloy na praktis sa meditasyon, maramng nagsasabing pati ang ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay ay gumanda. Kasama dito ang positibong tingin sa lahat ng aspeto ng buhay at ang pagiging handa at matibay sa mga pagsubok na haharapin.

Ang enerhiyang kosmico ay may pwersang buhay. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng ating mga buhay at upang palawakin ang ating kamalayan. Ang enerhiyang kosmico ay naka- base sa lahat ng ating mga pagkilos at tungkulin. Natatanggap natin ang ilang enerhiyang kosmico sa malalim na pagtulog at sa malalim na katahimikan.
Gumagamit tayo ng enerhiyang ito para sa ating araw-araw na gawain ng ating pag-iisip Tulad ng nakikita, pagsasalita, pagdinig, iniisip at ang lahat ng mga pagkilos ng ating mga katawan. Itong limitadong enerhiya na nakakamit sa pamamagitan ng pagtulog ay hindi sapat para sa mga aktibidad na ito. Iyon ang dahilan kung bakit sa tingin natin tayo ay pagod, nauupos at nasisikipan. Ito ay humahantong sa mental at pisikal na pagkapagod at sa lahat ng mga uri ng sakit. Ang tanging paraan upang mapagtagumpayan ito ay ang pag kuha pa ng higit pang mas maraming enegiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng pagkaka-ayos ng ating  buhay upang mabuhay ng malusog at magkaroon ng masayang buhay. Upang lubos na makasali sa lahat ng mga sitwasyon na ating kinalalagyan, upang makakuha ng kaalaman at sa wakas para sa pagpapalawak ng ating kamalayan at kaalaman. Ang masaganang enerhiyang kosmico ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon.
Ang pagtulog is isang walang malay na pagninilay o meditasyon. Ang pagninilay o meditasyon ay may malay-tao na pagtulog. Sa pagtulog tayo ay nakakakuha ng limitadong enerhiya. Sa pagninilay tayo ay nakakakuha ng masaganang enerhiya; Ang enerhiyang ito ay nagpapahusay sa kapangyarihan ng ating isip, katawan, at talino. Ito ang  bumubukas sa  pintuan  para sa ating ikaanim na pandama at lampas pa sa kaya nating abutin.Dahil sa pinataas at pinalakas na enerhiya na nakukuha sa pamamagitan ng meditasyon tayo ay magiging relaks, malusog at masiyahin. Ito ay tumutulong din upang maabot ang mas malawak at mas mataas sa pisikal na lupain. Ang meditasyon ay isang paglalakbay ng ating kamalayan patungo sa ating sarili.  Sa meditasyon lagi tayong naglalakbay mula sa katawang lupa patungo sa isip o diwa, pag-iisip patungo sa malalim na katalinuhan, mula sa katalinuhan papunta sa ating sarili at lampas pa sa kaya nating maabot.  Upang magawa ng meditasyon, una, dapat nating ihinto ang lahat ng ginagawa ng ating katawan at isip iyun ang paggalaw, pagtingin, pagsasalita at pag-iisip.
            Ngayon, pag-aralan naman natin kung paano gawin ang meditasyon. Sa meditasyon ang unang bagay na mahalaga ay ang ayos ng buong katawan o ng pagkaka-upo.Maaari kang umupo sa anumang pustura. Ang iyung pustura ay dapat kumportable. Umupo ng kumportable, i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping magkasalungatan ang iyong mga daliri, ngayon, ipikit ang iyong mga mata, itigil ang pag-iisip palutangin lamang ang kaisipan. Tuwing may mga maiisip, maaari tayong makakuha ng maraming mga katanungan. Kilala o hindi kilalang katanungang umiibabaw sa ating isip at sa ating talino dapat nating observahan ang ating pag-hinga. Ang obserbasyon at pagmamasid ay likas na katangian ng ating sarili. Kaya, dapat nating obserbahan ang ating pag-hinga. Huwag nating gawin ang sinasadyang paghinga, huwag lumanghap o huminga nang palabas na sinasadya. Hayaan na ang paglanghap o pagbuga na mangyari ng kusa. Obserbahan ang normal o natural na paghinga. Ito ay ang pangunahing susi o sikreto, ito ang tamang paraan. Huwag pumunta sa likod ng mga pag-iisip, huwag kumapit sa anumang mga katanungan o mga saloobin hayaan ang mga saloobin ang  bumalik sa pag-hinga, obserbahan ang normal na paghinga.
PAGKASUSPINDE 
Sumama palipad sa iyung paghinga. Pagkatapos, ang kakapalan ng mga iniisip ay unti unting mababawasan at magiging manipis at maikli. Sa Panghuli, ang hininga ay magiging maliliit at titigil tulad ng patak na nasa pagitan ng iyung ng mga kilay. Sa ganitong estado, ang isang nag memeditasyon ay walang hininga at walang mga naiisip. Siya ay lubos na walang maiisip. Ang estado na ito ay tinatawag na estado ng walang-pag-iisip. Ito ang estado ng meditasyon. Sa ganitong estado nasa ilalim tayo sa paliguan ng energiya ng kosmiko.
 Habang nagsasagawa pa ng maraming meditasyon mas maraming enerhiyang kosmiko ang matatanggap. Itong enerhiyang kosmiko ay dadaloy sa enerhiya ng katawan. Ito ay tinatawag na katawang etheriko. Ang enerhiya ng katawan ay nabubuo ng may mahigit sa 72,000 mga tubo ng enerhiya na tumatakbo ang lahat sa buong bahagi ng katawan. Lahat ng mga tubo ng enerhiya ay pumapasok simula sa tuktok ng rehiyon ng ulo. Ang rehiyon na ito ay tinatawag na tirahang bahay ng kaluluwa ng tao. Itong mga tubo ng enerhiya ay kumakalat sa buong katawan na katulad ng mga usbong o mga ugat ng isang halaman.
Ang enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pundasyon para sa disenyo ng ating mga buhay. Itong mga enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pinangagalingan para sa lahat ng ating mga pagkilos at pati sa pagkakaroon ng ating buhay. Ang enerhiya ng katawan ay tumatanggap enerhiyang kosmiko sa panahon ng ating pagtulog at panahon ng megitasyon o pagninilay. Ginagamit natin ang enerhiyang ito para sa mga gawain ng ating katawan at isip tulad ng pagtingin, pagsasalita, pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga pisikal na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos na nakabatay sa papasok na enerhiyang kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay sa ating pag-iisip at pananaw.
  Kapag mayroon tayong mga pananaw o iniisip, ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nababaradohan. Sa ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay ang hadlang para sa malakas na pag-agos ng enerhiyang kosmiko. Kapag ang pag-agos ng enerhiyang kosmiko ay mas mababa, ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang pag-kaubos na ito ay nagiging sanhi ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay ng enerhiya sa katawan. Itong etherikong pagkahiwalay hiwalay ay dahan-dahang humantong sa mga sakit ng pisikal na katawan. Sa meditasyon, makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy ito sa lahat ng ating mga tubo ng enerhiya kapag ang enerhiyang kosmiko ay dumadaloy patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa mabigat na daloy nito, nililinis nito ang lahat ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis ang etheriko nating katawan gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.
            Kapag nagsimula na ang mabigat na pagdaloy ng enerhiya sa pamamagitan ng bahay ng kaluluwa, makakaramdam tayo ng bigat upang magsalita. Huwag magsalita o bumigkas ng anumang mga orasyon magpahinga lamang lubos na pagpapahinga, mapahinga i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping ang iyong mga daliri, ibabaw ang enerhiya at magbigay ng higit pang katatagan. Ang mga mata ay pintuan ng isip kaya dapat itong nakapikit. Ang anumang pagsasalita ay mga gawain ng isip, kaya dapat itong itigil.
        
Kapag ang katawan ay nakakapag-relaxs, ang ating kamalayan ay maglalakbay sa susunod na lugar ng ating isip at talino. Ang kaisipan ay walang iba kundi isang bugkus ng mga iniisip, at maraming kaisipan ang laging dumarating sa rehiyon ng ulo o sa bigat ng buong katawan. Kapag ang enerhiya ay naglilinis ng mga tubo ng enerhiya sa isang partikular na rehiyon. Maaari tayong makaramdam ng pangangati o sakit sa isang rehiyon, minsan maaari nating maranasan ang sakit sa iba't-ibang mga lugar ng ating pisikal na katawan. Para sa ganoong sakit hindi natin kailangan uminom ng kahit anong gamot. Lahat ng sakit na ito ay mawawala sa pamamagitan ng karagdagang meditasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng higit pa at mas maraming enerhiyang kosmiko sa pamamagitan ng meditasyon mawawala ang lahat ng pisikal at mental na sakit. Kung tayo’y magmemeditasyon sa loob ng pyramid ang estado ng meditasyon ay maaaring makamit ng tatlong beses pang mas mabilis kaysa sa normal.
Upang mahanap ang permanenteng liwanag sa ating buhay ang bawat na panloob na pag-iisip ay dapat na malinis na may magandang saloobin at pag-uugali. Ang mga saloobin at pag-uugaling ito ay hindi dapat naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng anumang iba pang mga panlabas na mga kadahilanan. Ang ating isip at katawan ay dapat na nasa ilalim ng kontrol lamang kapag ang pananaw natin ay positive, manabik nang labis para sa mahusay na mga bagay at malaman ang dahilan ng ating kapanganakan ang pagka-alam tungkol sa ating sarili at ang kahulugan kung bakit nandito tayo sa daigdig. Ang araw ay nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nilalang para makagawa ng kabutihan para sa kanilang sarili at para sa mga nilalang sa kaniyang paligid. At dahil tayo ay bahagi ng kalikasan, dapat nating maunawaan ang bawat isa at ang lahat ng tungkol sa Kalikasan. Ang liwanag ay isang paraan ng Pag-ibig kung saan kinakailangan ito ng bawat isa upang mabuhay ng maligaya hanggang sa ating huling hininga.

No comments:

Post a Comment